Biktima ka ba ng mga abusive online lending apps? Tinatawagan ba nila ang mga contacts mo? Hinaharass ka ba nila at nagpopost sa social media? Ano ang mga dapat mong gawin?
We are posting this Frequently Asked Questions (FAQ) released by the Philippine Association of Loan Sharks Victims, Inc. (PALSVI) for awareness purposes. I had been a victim as well of these schemes by Online Lending Apps or OLA's specifically by MOCA-MOCA which I published in a separate article.
You can also check the LIST OF REVOKED AND SUSPENDED LENDING COMPANIES here.
TANONG: Pagkatapos kang harassin, takutin at ipahiya, bakit hindi ka dapat magbayad thru gcash, or sa kahit na saang reference number na ibinibigay ng mga agents?
SAGOT:
🌟 Una, Dahil wala kang assurance na yan nga ay didiretso at magrereflect nga yan sa account mo.
🌟Pangalawa, wala kang assurance na pagkatapos mo magbayad ay hindi ka na haharassin at hindi ka na sisingilin.
KEEP IN MIND, na kahit nakapagbayad ka na, nasa kanila at hawak pa rin nila ang mga information at ID at selfie mo. Maari parin nilang gamitin yun para mang scam, at i loan ka sa iba't ibang OLA. At pwede ka parin nila i post sa social media.
TANONG: So ano ang Goal?
🌟ANG GOAL ay, magbabayad ka, pero dadaan sa legal na paraan. May pirmahan, may resibo, at higit sa lahat, makita mo na burado na ang iyong info at mga ID sa database nila. HANGGAT HINDI KAYA IBIGAY NG OLA nyo ito. Then, wag kayo magbabayad. FILE A COMPLAINT and LET THE RULE OF LAW DECIDE.
TANONG: TOTOO BA NA KAKASUHAN NILA AKO, AT MAIBA BANNED AKO SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO TULAD NG SSS, PAG IBIG, OR PHILHEALTH AT GSIS?
🌟SAGOT: Hindi. WALANG SINDIKATO AT ILLEGAL ANG MAGPAPA TANGA TANGA NA LUMAPIT SA PULIS O SA BATAS PARA ISUPLONG ANG SININDIKATO NYA.
KAYA HINDI RIN TOTOO NA MAGPUPUNTA SILA SA BARANGGAY NYO, KAYA RELAX KA LANG.
TANONG: BAKIT IMPORTANTE NA MAG FILE NG COMPLAINT?
🌟DAHIL BAWAT ISANG COMPLAINT AY MAKAKATULONG SA PAG USAD NG ATING IPINAGLALABAN UPANG MA AKSYUNAN AT MAPANSIN NG GOBYERNO ANG MGA ILLEGAL NA OLA.
PANGALAWA, KUNG MAGDI DEMAND KA NG LEGAL SETTLEMENT, HANGGANG HINDI KA MAGPA FILE NG COMPLAINT, FOREVER KAYO MAGHIHINTAYAN NG MGA ILLEGAL AT ABUSADONG OLA.
BAKIT? DAHIL KAHIT PA SABIHIN NG MGA AGENTS NA KAKASUHAN KA NA NG SMALL CLAIMS, OR ESTAFA, OR IPAPA BARANGGAY KA NILA PARA MAKAPAGBAYAD KA NA, HINDING HINDI MANGYAYARI YUN, DAHIL UNANG UNA, MARAMI SILANG NILABAG SA BATAS, KAYA HINDI NILA KAYA IDAAN ITO SA LEGAL.
TANONG: KUNG HALIMBAWA NAMAN, PINUNTAHAN KAYO SA INYONG BAHAY O MAY NAGPUNTA SA INYONG BAHAY AT MAYROONG INIABOT SA INYO NA PAPEL, AT SINABI NA TAWAGAN NYO ANG NUMERONG IBINIGAY, AT ANG NAKALAGAY SA NUMERO AY NUMBER "DAW" NG ISANG MATAAS NA OPISYAL NG PULIS, O DI NAMAN KAYA AY ATTY, ANO ANG GAGAWIN?
👉SAGOT: WAG BASTA BASTA MAKIKIPAG TRANSAKSYON. KEEP IN MIND PALAGI NA YOU ARE DEALING WITH SYNDICATES, KAYA NAMAN PALAGI DAPAT ADVANCE MAG ISIP. WAG KAYONG MATAKOT, NGUNIT WAG DIN MASYADONG KAMPANTE. ALWAYS WATCH YOUR BACK. MAGPUNTA SA BARANGGAY, AT DOON MAKIPAG SETTLE. KUNG HALIMBAWA NAMAN, AY IPINAABOT LANG ANG PAPEL, IMPORTANTE NA IPA BLOTTER AGAD SA BARANGGAY AT SA PINAKA MALAPIT NA POLICE STATION.
⭐KUNG PINADALHAN NAMAN KAYO NG FUNERAL SERVICE, ANO ANG AGARANG AKSYON ANG MAARI NYONG GAWIN?
👉AGAIN, UNA DAPAT SA BARANGGAY AT PINAKA MALAPIT NA POLICE STATION MAGPA BLOTTER. IMMEDIATELY. HINGIN ANG KOOPERASYON NG FUNERAL SERVICE SA POSIBLENG MAGIGING IMBESTIGASYON.
⭐USO NA DIN NGAYON ANG TUMATAWAG NA AGENTS NG OLA AT NAGPAPANGGAP NA PULIS OR ATTY, TATAKUTIN KA, AT SASABIHIN SAYO NA MAY WARRANT OF ARREST KA NA, KAYA KAILANGAN MAGBAYAD KA NA KAAGAD. ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?
👉UNA, WAG KANG MAG PANIC. MAG FOCUS KA. ITONG GINAGAWA NILA AY MIND CONDITIONING SA MGA KLIYENTE PARA MA RATTLE KA, OR MATAKOT KA, MAG PANIC, AT MAGBAYAD. SO FOCUS.
UNA, I RECORD ANG TAWAG, KAPAG NAGPANGGAP NA PULIS, ITANONG MO KAAGAD, SAAN NAKA DESTINO ANG PULIS NA ITO? ANO ANG KATUNGKULAN NYA? AT ANO ANG LENDING COMPANY NA NAGREREKLAMO.
KUNG NAGPANGGAP NAMAN NA ATTY, ITANONG MO ANG KUMPLETONG PANGALAN AT ANG KANYANG DOCK NUMBER. OR LICENSE NUMBER. ANONG LENDING ANG NAGREREKLAMO.
PALAGI MONG ALAMIN ANG IYONG KARAPATAN, UPANG HINDI KA MATAKOT NG MGA ABUSADONG OLA.
TANONG: SAAN PWEDE MAG COMPLAINT?
🌟Narito ang mga website ng mga ahensya ng gobyerno kung saan pwede kayo mag reklamo.
⚔️🛡️NPC:
https://www.privacy.gov.ph/complaints-main/
⚔️🛡️SEC:
https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and.../complaints/
⚔️🛡️PNP ACG: https://acg.pnp.gov.ph/eComplaint/view.php
⚔️🛡️NTC: https://ntc.gov.ph/
⚔️🛡️PNP HOTLINE: https://www.facebook.com/OfficialPNPhotline/
Importante na pag aralan natin ang batas tungkol sa kaso ng small claims dahil ito ang madalas na panlaban ng mga ola sa mga debtors nila..
Ano ang 2016 Revised Rules of Procedure for Small Claims?
SO, narito ang ilan sa mga importanteng bahagi ng 2016 Revised Rules of Procedure for Small Claims Cases, na matatagpuan sa website ng supreme court. https://sc.judiciary.gov.ph/1594/
- Una, ang halaga ng threshold ng paghahabol ay itataas sa ₱200,000.00, hindi kasama ang mga interes at gastos.
- Pangalawa, kinakailangan na ngayon na ang nagsasakdal ay nagsasaad sa Statement of Claim kung siya ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko at mga katulad na aktibidad, at ang bilang ng mga maliliit na kaso ng paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang hudisyal na istasyon . Pangatlo, ang nagsasakdal na nakikibahagi sa pagpapautang, pagbabangko o mga katulad na aktibidad ay dapat magpahiwatig ng bilang ng mga maliliit na kaso ng paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang hudisyal na istasyon. Ikaapat, ang nagsasakdal ay maaari na ngayong pahintulutan na magdulot ng serbisyo ng pagpapatawag sa nasasakdal alinsunod sa Seksyon 12.
TANONG: Sino ang mga nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko at mga katulad na aktibidad?
SAGOT: Sila ay mga indibidwal, partnership, korporasyon, kooperatiba, at iba pang katulad na asosasyon, nakarehistro man o hindi, nakikibahagi sa pagpapautang, pagbabangko, at mga katulad na aktibidad sa pamamagitan ng pasalita o nakasulat na mga kontrata ng pag-upa, mga kontrata ng pautang, mga kontrata ng mga serbisyo, mga kontrata ng pagbebenta o mga kontrata ng mortgage, sa isang regular na batayan.
TANONG: Bakit kinakailangang sabihin ng nagsasakdal ang bilang ng mga kaso ng maliliit na paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang istasyon ng hudikatura?
SAGOT: Dahil ang Binagong Mga Panuntunan ay nagpapataw ng mga karagdagang bayad sa paghahain para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng ikalimang paghahabol. Ang iskedyul ng karagdagang mga bayarin sa paghahain ay ang sumusunod: Karagdagang ₱500.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng 5thclaimAdditional ₱600.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng 10thclaimAdditional ₱700.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng ika-15 na paghahabolIto ay upang pigilan ang mga maliliit na kaso ng paghahabol, maraming kaso ng paghahabol. mag-ambag sa pagbabara ng mga docket ng korte.
TANONG: Bakit kailangang sabihin ng nagsasakdal kung siya ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapahiram, pagbabangko at mga katulad na aktibidad?
SAGOT: Dahil ang Revised Rules ay nangangailangan na kung ang isang tao ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, ang pagbabangko at mga katulad na aktibidad ay may sangay sa loob ang munisipyo o lungsod kung saan nakatira ang nasasakdal, ang kaso ay dapat isampa sa korte kung saan matatagpuan ang sangay na iyon. Ito ay para sa kaginhawaan ng nasasakdal.
TANONG: Ano ang mga kahihinatnan kung ang nagsasakdal ay maling kumakatawan na siya ay hindi nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko o mga katulad na aktibidad kung sa katunayan siya ay nakikibahagi sa gayon?
SAGOT: ang nagsasakdal ay dapat bigyan ng angkop na parusa gaya ng direktang paghamak direct contempt.
TANONG: Sa kaso ng mga transaksyon sa pautang na hindi hihigit sa P200,000.00 na binayaran sa pamamagitan ng tseke, maaari bang magsampa ng aksyon para sa pangongolekta ng kabuuan ng pera bilang maliit na paghahabol?
SAGOT: kontrata ng pautang, kontrata ng serbisyo, kontrata ng pagbebenta, kontrata ng mortgage, na-liquidate ang mga pinsalang nagmumula sa mga kontrata, barangay amicable settlement o isang award sa arbitrasyon na kinasasangkutan ng money claim.
TANONG: Maaari bang i-dismiss ng korte ang isang maliit na kaso ng claim motu proprio?
SAGOT: Oo. Alinsunod sa Seksyon 11 ng Binagong Mga Panuntunan, maaaring i-dismiss ng korte ang isang kaso "sa pamamagitan ng kanyang sarili" kung sa panahon ng pagdinig ay matukoy ng hukuman na mayroong isang batayan para sa pagbasura ng Statement of Claim/s -kahit na ang nasabing batayan ay hindi nakiusap sa Tugon ng nasasakdal.
Para sa karagdagang impormasyon bumisita sa FB ng Philippine Association of Loan Sharks Victims Inc.
ABOUT THE AUTHOR
David 'Master Pogi' D'Angelo
Social Media Specialist | Blogger |
Environmental Advocate | Events Organizer
Subscribe Now: facebook.com/becomesupporter/dangelo4senator
3 Comments
Paano po kapag tinatawagan nila lahat nang nasa contact list niyo po?
ReplyDeleteHi...Isa rin po Ako sa nkktanggap Ng mga panghaharash sa mga nautangan thru online loans...they keep calling me,,texting bad words...dhil overdue nko sunod sunod Ang pananakot sakin...kailangan ko na daw magbayd agad bka ipopost nila ung Mukha ko at id tpos lagyan Ng scammer Ako...until now di ko pa cla nbyaran at Wala pa akong npagkuhaan Ng pambayad sa knla...at high interest pa.true ung cnsabi nla sa flatform nla di un nasusunodkc once na npindot mo na ung amount lumalabas n 7 days lng ung term n binigay sau din di mo pa mkukuha ung full amount na inutang mo sa knla.lemon loans,moca moca,may Pera,okpeso...although ung IbaNg binanggit ko nkita kng may sec reg.cla.
ReplyDeleteako din po ay ganyan..sobrang panghaharass, panggugulo at pagbabanta na ang natatanggap ko sa mga txt messages nila..pati pamilya ko ay idinadamay na sa pagbabanta nila..sa nagyon ay wala pa din akong mahanapan na ibabayad..meron din po sinasabi na magpapapunta na sila ng field officer nila dito sa aming bahay at kukuhanin ang mga gamit namin kung wala akong pambayad..binisita ko ang website ng SEc at ni isang OLA na inutangan ko ay walang reg sa SEC pero may SEc no. na nakalgay sa kanila..sobra na akong natatakot at naiistress para sa pamilya ko dahil nadadamay na sila
Delete